KKDAT Symposium, isinagawa sa Northern Samar
Northern Samar- Matagumpay na isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Symposium sa mga estudyante ng San Roque – Pambujan Vocational High School, Brgy. Cababto-an, Pambujan, Northern Samar nito lamang Oktubre 4, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng 2nd Northern Samar PMFC sa pangunguna ni PLtCol Edwin M Oloan Jr., Force Commander kasama ang mga guro at Grade 12 Senior High School Students ng San Roque – Pambujan Vocational High School.
Nakatuon ang symposium sa kamalayan sa Anti-Illegal Drugs (RA 9165) DILG BIDA, Buhay Ingatan Droga’y Ayawan Program, Anti-Terrorism Act (RA 11479) Deceptive Recruitment of the CPP-NPA-NDF at Executive Order 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Layunin ng aktibidad na humikayat at palakasin ang kakayahan ng kabataan sa pagsugpo sa ilegal na droga at problema sa terorismo sa bansa, itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Sektor ng Edukasyon at PNP.