Faith-Based Advocacy Gourp, nakiisa sa Community Outreach activity sa Carles, Iloilo

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Group upang isagawa ang isang feeding program at children’s ministry para sa mga bata sa St. John the Baptist Village sa Brgy. Barosbos, Carles, Iloilo nito lamang ika-7 ng Oktubre 2023.

Katuwang ng grupo ang Carles Municipal Police Station at youth volunteers na dinaluhan ng mga residente ng naturang lugar.

Layunin ng grupo na maibsan ang problema ng malnutrisyon at magbigay ng suporta sa kalusugan ng mga kabataan sa nasabing lugar.

Ang feeding program at children’s ministry m ay isang malinaw na halimbawa ng pagsasama-sama ng pulisya, simbahan, at mga kabataan para sa ikabubuti ng komunidad.

Ito’y nagpapakita ng pagmamalasakit at pag-aalaga sa kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan sa Carles, Iloilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *