Tree Planting Activity, isinagawa sa Cotabato

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Malamote, Midsayap, Cotabato nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Oktubre 2023.

Nakilahok ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Army, MENRO, Knights of Columbus Midsayap Chapter, Barangay Officials at iba pang stakeholders.

Nagkaisa ang mga nasabing grupo sa pagtatanim ng mga iba’t ibang klase ng punong-kahoy sa nasabing lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *