MOU Signing ng Cagayan PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga, aktibong sinuportahan ng Advocacy Group
Aktibong sinuportahan ng Advocacy Group ang kampanya laban sa ilegal na droga ng Cagayan PNP sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Undertaking na ginanap sa Cagayano Cops Multi-Purpose Hall ng Camp Tirso Gador, Cagayan Police Provincial Office nito lamang ika-4 ng Oktubre 2023.
Kasama ang iba’t ibang sektor mula sa Department of Interior and Local Government-Cagayan (DILG), PDEA- Cagayan Provincial Office, Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Department of Education, Cagayan PPO Press Corps at My Brother’s Keeper-Life Coach.
Ang naturang aktibidad ng paglulunsad ay pagsisikap ng Cagayano Cops sa pangunguna ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr, Provincial Director bilang kampanya sa Buha’y Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) sa pakikipagtulungan ng Advocacy Group at iba’t ibang sektor upang tuluyang wakasan ang problema sa ilegal na droga.
Ang MOU signing ay nagpapatunay bilang katibayan sa pagsuporta at pakikiisa ng mga dumalo sa nasabing aktibidad upang maisakatuparan ang iisang layunin nito kontra sa ilegal na droga. Ayon sa mensahe ni PCol Gorospe, pinapaabot niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagsidalo, dahil sa kanilang kooperasyon at walang sawang suporta sa anumang mga programa ng kapulisan.
Layunin nito palakasin ang ugnayan,kooperasyon at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor at Advocacy Group sa PNP upang matuldukan ang suliranin sa ilegal na droga. Source: Cagayan PPO