Unity Walk, Inter-Faith Prayer Rally, Candidates Forum at Peace Covenant Signing para sa BSKE 2023 isinagawa sa Mayantoc, Tarlac

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, religious sector at mga tatakbong kandidato sa isinagawang Unity Walk, Inter-Faith Prayer Rally, Candidates Forum at Peace Covenant Signing para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 na ginanap sa Mayantoc Municipal Hall, Barangay Poblacion, Mayantoc, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-6 ng Oktubre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Commission on Elections, Philippine National Police, Local Government Unit, Philippine Army, DepEd, mga religious sector at mga kandidato sa nalalapit na halalan.

Sabay-sabay silang nakilahok sa mga aktibidad na kung saan nanumpa ang mga kandidato sa Integrity Pledge at lumagda sa Peace Covenant bilang tanda ng kanilang pagsuporta sa maayos at payapang eleksyon sa barangay.

Sinisiguro ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, religious sector at mamamayan na pananatilihing payapa at maayos ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *