Women Sector nakiisa sa lektyur ng Siniloan PNP

Nakiisa ang mga miyembro ng Women Sector sa isinagawang lektyur na ginanap sa Siniloan Municipal Police Station Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna nito lamang ika-5 ng Oktubre, 2023.

Tinalakay ang R.A 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, RA 8353 o “The Anti-Rape Law of 1997” Campaign at mga Anti-Criminality Campaign.

Layunin nitong ipaalam sa mga kababaihan ang kanilang mga karapatan at mga batas na nakakatulong sa pag-iwas sa krimen, droga at insurhensya at hinikayat na mag-ingat lagi at mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *