Libreng posas hatid ng R-PSB Malaybalay City

Nakatanggap ng tatlong posas ang miyembro ng Barangay Public Safety Officers (BPSO) mula sa Revitalized Pulis sa Barangay Malaybalay City sa Purok 6, Barangay Kulaman, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-6 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ni Hon. Jenny S Subang, Barangay Chairman at Police Corporal Mark Josep Dapar, Team Leader ng R-PSB Malaybalay City.

Ang naturang kagamitan ay magagamit ng BPSO kontra kriminalidad at pagpapatupad ng batas. Ito ay bunga ng magandang relasyon ng pulisya at BPSO upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *