Faith Based Advocacy Support Group nanguna sa Squad Weekly Interactive Meeting sa Hagonoy, Bulacan

Pinangunahan ng mga miyembro ng Hagonoy Ministerial Association Incorporated at Missions Church Orlando (Faith Based) ang isinagawang Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) para sa mga kapulisan sa Hagonoy Bulacan nito lamang Lunes, ika-9 ng Oktubre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ruben T Furigay, Officer-In-Charge. Nagkaroon ng Spiritual Upliftment kung saan nagbahagi sila ng mga Salita ng Diyos mula sa Bibliya na magsisilbing insipirasyon sa ating mga kapulisan.

Patuloy ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya at pagbibigay ng inspirasyon na magsisilbing gabay sa kanilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *