BPATs nakiisa sa Tree Planting Activity sa Dipaculao, Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Palamigan, Barangay Calaocan, Dipaculao, Aurora nito lamang Huwebes, ika-12 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander.

Nagtulungan sa pagtatanim ng mga punong-kahoy na magsisilbing lilim sa naturang lugar. Patuloy ang mga miyembro ng BPATs sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang kagandahan ng pamayanan at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *