KKDAT Gubat Chapter, nakilahok sa Clean-up Drive Activity sa Sorsogon

Gubat, Sorsogon- Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Gubat Chapter sa isinagawang Clean-up drive activity sa Purok 1 Cabiguhan, Gubat Sorsogon nitong Oktubre 10, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sorsogon 1st PMFC R-PSB Team sa pamumuno ni PMaj Neil Jasper O Agnote.

Nakalikom ang mga kalahok sa aktibidad ng sako-sakong basura sa paligid ng naturang lugar. Layunin ng nasabing aktibidad na tiyaking malinis ang lugar upang sa ganun ay mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Ang KKDAT sa lugar ay patuloy na makikiisa sa mga magagandang programang inilulunsad ng kapulisan tungo sa malinis at ligtas na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *