KKDAT lumahok sa PROJECT R.E.A.D.Y. sa Malabon City
Masayang nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) sa isinagawang Project Resistance Education Against Drugs for the Youth (R.E.A.D.Y) na ginanap sa Barangay Longos, Malabon City nito lamang Martes, Oktubre 10, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng kapulisan ng Malabon City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, OIC kasama ang Faith-Based Leader na si Pastor Duane Garcera. Ang programa ay isinasagawa sa mga paaralan at learning Centers sa Malabon para sa mga kabataan, upang magkaroon sila ng kaalaman sa Anti-Drugs Laws at iba pang ordinansa upang matiyak na ang mga susunod na henerasyon ay maging masunurin sa batas.
Layunin nitong hinkayatin ang mga kabataan na umiwas sa pag gamit ng ilegal na droga at turuan ng kabutihang loob para tahakin nila ang mabuting landas.