KKDAT at mga Brgy Officials, nakilahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng KKDAT at Brgy Officials ng Santa Ana Cagayan sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa Dumasag, Casambalangan ng naturang bayan noong ika-10 ng Oktubre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyembro ng kapulisan ng Santa Ana Police Station, Cagayan Police Provincial Office at PSFTP Class HIMAGSINAB na pinangasiwaan ng DILG ng naturang bayan. Sama-samang nagtanim ang grupo sa gilid ng ilog at bulubunduking parte ng naturang lugar.

Kasabay ring nilinis ang maduming parte ng lugar at pinulot ang mga basura para mas maging malinis ang kapaligiran.

Ang naturang aktibidad ay tinawag na “Three Planting; Twogether in Bayanihan” dahil sa sama-samang pagsagawa nito at sa layuning mataniman ang mga pook na kailangan ng mga puno upang maging panangga sa maaaring pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan o kalamidad.

Source: Santa Ana Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *