KKDAT at Advocacy Support Groups, nakiisa sa Unity Walk, Interfaith Rally at Peace Covenant Signing sa Hingyon, Ifugao

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) at mga Advocacy Support Group sa isinagawang unity walk, interfaith rally at peace covenant signing sa Municipal Gymnasium, Culob, Bitu, Hingyon, Ifugao nito lamang Oktubre 16, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinasimulan ng Hingyon Municipal Police Station kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Hingyon, mga kawani ng iba’t ibang line agencies, stakeholders at force multipliers. Nagsimula ang programa sa isang unity walk na sinundan ng nagkakaisang panalangin mula sa mga lider bg Faith-Base Group sa pangunguna nila Rev. Father Emilio, Adawe (Parish Priest, St. Paul the Apostle), Pastor Johnny Dulnuan of Christ is the Answer Church, at Pastor Ronnie Gumatin ng Piwong Evangelical Church.

Samantala, nagbigay mensahe si Honorable Florencio Nalula, Municipal Mayor ng Hingyon, at mga lider ng iba’t ibang line agencies kung saan hinikayat nila ang mga kandidato na makiisa para sa ligtas, maayos at mapayang halalan ng Barangay at Sanguniang Kabataan 2023.

Nagsagawa rin ng briefing at orientation si Ms. Kristine B Dulnuan, COMELEC Officer at nagpaalala na dapat sundin ng mga kandidato ang “lawful election propaganda” para maiwasan ang disqualification at para sa mapayapang halalan.

Ang pakiisa ng bawat kandidato at mga advocacy support group ay nagpapahiwatig sa kanilang pagsuporta sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at mapayapang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *