Force Multipliers nakiisa sa Community Outreach Program sa Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Purok 2, Barangay Pinagrealan, Candelaria, Zambales nito lamang Lunes, ika-16 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga Barangay Health Worker (BHW) at mga opisyal ng naturang barangay.

Nagkaroon ng feeding program at libreng gupit sa 70 na benepisyaryo ng aktibidad. Patuloy ang mga Force Multipliers sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *