KKDAT Cauayan Chapter, nakilahok sa Clean-Up Drive activity

Aktibong nakilahok ang KKDAT Cauayan Chapter sa isinagawang Clean-up drive sa kahabaan ng National Highway ng Cauayan City noong ika-16 ng Oktubre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyemvro ng kapulisan ng Cauayan City Police Station kung saan sama-samang nilinis ng grupo ang mga kalat sa gilid ng kalsada at mga maduduming kanal.

Naging magaan at mabilis ang paglilinis dahil madami sa mga naturang kabataan ang nakilahok kaya naman masayang natapos ang aktibidad at hindi ramdam ang pagod sa gitna ng sikat ng araw. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan sa paligid para makalanghap ng sariwang hangin ang mamamayan. Dagdag pa nito ay patuloy na pinaigting ng mga kabataan ang pakikiisa sa aktibidad at programang pang komunidad. Source: Cauayan CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *