Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) nakiisa sa isinagawang pulung-pulong sa Malabon City

Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Malabon Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) sa isinagawang pagpupulong na ginanap sa Malabong City Police Station Headquarters sa nasabing lungsod nito lamang Lunes, Oktubre 16, 2023. Ito ay pinangunahan ni Police Major Alfredo F Agbuya Jr, ACOPA/Chief, SIDMS sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, Officer-In-Charge, Malabon City Police Station- NCRPO.

Ang naturang pag-uusap ay alinsunod sa sunud-sunod na pagnanakaw ng mga Kable ng iba’t- ibang Service Providers gamit ang mga tricycle.

Ang mga dumalo ay binigyan din ng kaalaman upang hindi maging biktima at kasangkapan sa pagsasagawa ng nasabing krimen ng mga kawatan.

Layunin ng pagpupulong na maging katuwang ang ating Kapulisan upang ang nasabing mga pagnanakaw ay tuluyan ng mawakasan sa bayan ng Malabon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *