KKDAT Dolores, nakilahok sa Palugaw ng Pulis sa Eastern Sama

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Palugaw ng Pulis sa Brgy. 12, Dolores, Eastern Samar nito lamang Huwebes ika-19 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at ang mga benipisyaryo ay mga kabataan at residente ng nasabing lugar.

Layunin nito na magkaroon ng maayos na relasyon sa mga kabataan at mapagsilbihan din ang mga kapus-palad na indibidwal, lalo na ang mga bata upang maibsan ang gutom at malnutrisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *