Libreng pabahay handog ng FNKN

Nakatanggap ang isang ginang ng bagong gawang bahay handog ng Foreign National Keepers Network Advocacy Support Group Kasama ang PNP sa paghahatid ng serbisyo sa Barangay Pada-Pada, Sta Ignacia, Tarlac nito lamang Martes, ika-17 ng Oktubre 2023.

Naging benipisyaryo si Leah Navarro, tubong Tarlakenyo sa naturang pabahay. Ito ay naging posible sa pinamunuan ni Ms. Tara Elizabeth Bunch, President ng FNKN at Manjinder Singh, Regional President Ng FNKN.

Ayon sa pamunuan ng FNKN, naging matagumpay ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng kanilang miyembro na kung saan ito ay kanilang pangatlong proyekto na ipinatayong bahay sa Gitnang Luzon. Naging kinatawan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, the Deputy Chief PNP For Administration si Police Brigadier General Arnel Amor B Libed, Deputy Director For Police Community Relation bilang pangunahing pandangal.

Patuloy ang FNKN at iba pang advocacy support group katuwang ang PNP sa pagpapalawig ng magandang programa at proyekto para sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *