Youth Leadership Camp, isinagawa sa Catanduanes

Nilahukan ng 153 estudyante mula sa Christian Polytechnic Institute ng Catanduanes at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isinagawang Youth Leadership na ginanap sa Camp Francisco Camacho, Catanduanes Police Provincial Office nitong Oktubre 16, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Catanduanes PPO katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) PRO5. Bahagi ng programa na bigyang kaalaman ang mga kabataan patungkol sa EO 70, pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga, Crime Prevention Tips, Crime Awareness, Moral and Spiritual Upliftment at nagkaroon din ng Team Building Exercises.

Patuloy ang ahensya ng gonyerno sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad upang makatulong na maging maayos ang kinabukasan ng bawat kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *