KKDAT Virac Chapter, nakiisa sa Clean-up Drive Activity sa Virac Cemetery

Catanduanes- Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Virac Chapter sa isinagawang Clean-up drive Activity sa Barangay Gogon Centro, Cemetery Virac, Catanduanes, nito lamang ika- 22 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga personahe ng Virac MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Robert Kevin T Caparroso, Chief of Police.

Nagtulong-tulong ang kapulisan at mga miyembro ng KKDAT sa paglilinis ng paligid ng sementeryo kung saan ay nakukuha ang grupo ng mga sako-sakong basura.

Patuloy na magtutulungan ang kapulisan ng Virac at mga miyembro ng KKDAT sa lugar upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng mga kababayang pupunta at bisisita sa nalalapit na Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *