Tree Planting Activity isinagawa sa CDO

Magkasanggang nagtulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng tree planting activity sa Mapawa Heights, Barangay Cugman, Cagayan de Oro City nito lamang ika-20 ng Oktubre 2023.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-34th National Statistics Month ng Philippine Statistics Authority. Matagumpay na naitam ang 150 narra trees sa nabanggit na lugar.

Nakiisa sa aktibidad ang mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Office, Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Environment and Natural Resources at iba pang National Government Agencies.

Patuloy naman inaanyayahan ng gobyerno na makiisa sa ganitong uri ng aktibidad upang mapangalagaan ang likas na yaman ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *