Force Multipliers nakiisa sa Community Outreach Program sa Subic, Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program ng Subic PNP sa Sito Gala, Barangay Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel E Geneblazo, Chief of Police, Subic PNP katuwang ang Armed Forces of the Philippines, Faith Based Advocacy Support Group, Zumba Girls Foundation, Department of Education at mga opisyal ng barangay. Sa aktibidad ay nagkaroon ng pamimigay ng baon packs at nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa mga Safety Tips para sa 200 na benepisyaryo.

Sinisiguro ng mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers na patuloy sila pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *