Kaligkasan Volunteers nakiisa sa Tree Planting sa Casiguran, Aurora

Nakiisa ang mga Kaligkasan Volunteers sa isinagawang Tree Planting Activity ng Second Provincial Mobile Force Company, Aurora Police Provincial Office sa Barangay Ditinagyan, Casiguran, Aurora nito lamang Biyernes, ika-27 ng Oktubre 2023.

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams at mga opisyal ng naturang barangay. Matagumpay ang aktibidad kung saan nagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong muling mapayabong ang kapaligiran at maiwasan ang init ng panahon na dulot ng climate change sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *