Coastal clClean-up Drive isinagawa sa Ozamis City

Matagumpay na naisagawa ang Coastal clean-up drive ng KABALIKAT CIVICOM sa lugar ng Sitio Napu, Barangay Malaubang, Ozamis City, Misamis Occidental nitong umaga ng Oktubre 28, 2023.

Katuwang sa paglilinis ang mga miyembro ng Ozamis City Maritime Station sa pangunguna ni Police Major Julie M Buac, Station Chief at PNP Aviation Security Group.

Sa kabuuan nasa mahigit kumulang 10 sako ng basura ang nakuha sa pag-iikot malapit sa dalampasigan.

Ang naturang clean-up drive ay regular na isinagawa sa kapulisan at iba’t ibang grupo sa Misamis Occidental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *