BPATs tumulong sa pagbabantay ng katahimikan sa Undas 2023

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagbabantay sa mga pampublikong sementeryo sa Barangay Poblacion East, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Joseph B Morden, Chief of Police. Kasama ng pulisya ang BPATs na nakatalaga sa Police Assistance Desk na nagbibigay ng tulong sa mga residente na bumibisita sa naturang sementeryo.

Patuloy ang mga miyembro ng BPATs sa pagsuporta at pagtulong sa pulisya lalo na ngayong Undas 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *