Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Mayantoc, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Poblacion Norte, Mayantoc, Tarlac nito lamang Sabado, ika-4 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac Police Provincial Office katuwang si Mrs. Mary Grace Antonio, Advisory Council.

Nagkaroon ng feeding program, libreng gupit at pamimigay ng tsinelas para sa mga batang residente ng naturang lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at Lingkod Bayan Advocacy Support Group upang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *