PARDSS FII nakiisa sa Tree Planting Activity sa Rizal

Nakiisa ang mga miyembro ng PARDSS FII sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal nito lamang Nobyembre 5, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Montalban Municipal Police Station katuwang ang mga residente ng nabanggit na barangay.

Matagumpay na nakapagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy ang mga naturan grupo. Layunin nitong panatilihin ang luntiang kapaligiran na makakapagbigay ng lilim, sariwang hangin at panangga sa landslide, baha at maiwasan ang global warming.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *