Force Multipliers nakiisa sa pagbabantay ngayong Undas sa Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pagbabantay sa mga pampublikong sementeryo sa probinsiya ng Aurora nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aurora Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Myles Angel S Pascual, Provincial Director, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nakatalaga sila sa mga Police Assistance Desk (PAD) sa harap ng sementeryo upang magbigay ng tulong sa mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng mga Force Multipliers sa PNP upang makapaghatid ng serbisyo sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *