Force Multipliers nakiisa sa pagbabantay ngayong Undas sa Guimba, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pagbabantay sa mga pampulikong sementeryo sa Barangay Bacayao, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-31 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Guimba Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Reynold B Macabitas, Chief of Police.

Nakatalaga sa mga Police Assistance Desk (PAD) na makikita sa mga harapan ng mga pampublikong sementeryo upang magbigay ng tulong sa mga bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Patuloy ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pagbibigay ng suporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pagpapanatili ng ligtas at payapang Undas 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *