Force Multipliers nakiisa sa pagbabantay sa BSKE 2023

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pagbabantay sa mga polling precint para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa bayan ng Baler, Aurora nito lamang Lunes, ika-30 ng Oktubre 2023.

Kasama rin sa pagbabantay ang mga tauhan ng Baler Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Philippine Army.

Nagtulungan sa maigting na pagbabantay sa iba’t ibang eskwelahan upang maiwasan ang anumang masamang mangyari o kaguluhan sa pagboto ng mga mamamayan.

Sinisiguro ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga Force Multipliers ang maayos at payapang halalan para sa mga bagong halal na opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *