Lambagan Youth oOrganization, nakiisa sa Drug Symposium ng R-PSB

Aktibong nakilahok ang Lambagan Youth Organization sa isinagawang drug symposium ng mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay Cabanglasan na ginanap sa Barangay Lambagan, Cabanglasan, Bukidnon nito lamang Nobyembre 3, 2023.

Pinangunahan sa pagtuturo ni Police Chief Master Sergeant Jonas A Yabo, sa pangangasiwa ni Police Colonel Jovit Lontac Culaway, Provincial Director, Bukidnon Police Provincial Office.

Nasa mahigit kumulang 30 kabataan ang nakiisa at nakinig sa naturang symposium. Binigyang diin ang maaring kahinatnan kung gagamit ng iligal na droga gaya ng pagkasira ng buhay at makulong ng mahabang panahon.

Patuloy ang ganitong uri ng aktibidad upang wakasan ang banta ng iligal na droga lalong lalo na sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *