PROJECT S.I.B.O.L. nilahukan ng Force Multipliers sa Mandaluyong City

Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isiinagawang Project S.I.B.O.L (Simula ng Isang Bagong Oportunidad ng Lipunan) na ginanap sa Blk. 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nito lamang Biyernes, Nobyembre 3, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Jurana B Ollaginh, Chief, SCADS ng Mandaluyong City Police Station.

Nagkaroon ng livelihood program kung saan tinuruan ang bawat kalahok na gumawa ng dishwashing liquid na maktutulong upang sila’y makapag simula sa kanilang negosyo.

Layunin ng aktibidad na tulungan ang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman na magiging daan sa kanilang pag-unlad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *