Barangay Worker, nakiisa sa Drug Symposium

Nakiisa ang mga miyembro ng barangay worker sa isinagawang drug symposium ng Ozamis City Police Station sa Barangay Bongbong, Ozamis City, Misamis Occidental nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2023.

Kaalaman kontra iligal na droga ang bitbit ni Police Staff Sergeant Jonathan J Martinez, sa pangangasiwa ni Police Major Dennis Peñas Tano, Officer-In-Charge, Ozamis City Police Station.

Sa kabuuan nasa 18 barangay workers ang nakiisa sa naturang pagpupulong. Bahagi ito ng programa ng Department of Interior Local Government na mabigyan ng kaalaman ang mamamayan sa masamang epekto ng ilegal na droga sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *