KKDAT Amulung Chapter, aktibong nakiisa sa Tree Planting Activity

Aparri, Cagayan- Aktibong nakiisa ng mga myembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang Aparri PNP sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan noong Nobyembre 7, 2023.

Nakapagtanim ang grupo ng 40 coconut trees bilang pagsuporta sa I Love Cagayan River Movement ng Cagayan Provincial Government at alinsunod sa Clean and Green: CPPO Dream na inisyatibo ng Cagayan PPO.

Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan. Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.

Source: Aparri Ps

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *