Force Multipliers nakatanggap ng parangal sa Tarlac City

Ginawaran ng parangal ang mga Force Multipliers na aktibong tumutulong sa mga aktibidad ng Tarlac City PNP na ginanap sa Tarlac City Police Station Conference Room, Tarlac City nito lamang Martes, ika-7 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Evangeline P Ortiz, Chief of Police. Nakatanggap ang 13 na Non-Government Organization at Force Mulipliers ng Certificate of Appreciation mula sa Tarlac City PNP bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at pagtulong sa pagpapanatili ng maayos at payapang Barangay at Sanggunian Kabataan Elections 2023 at UNDAS 2023 sa naturang lungsod. Patuloy ang pagtutulungan ng Tarlac City PNP at mga Force Multipliers lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *