Bloodletting Activity isinagawa sa GenSan

Nagsagawa ng bloodletting activity ang mga kawani ng Philippine Red Cross-GenSan Chapter na ginanap sa Barangay City Heights, General Santos City nito lamang Nobyembre 9, 2023.

Aktibong nakiisa at nag-alay ng dugo ang mga tauhan ng Regional Mobiole Force Battalion 12, LGU-GenSan at iba pang mga pribadong grupo.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Alay kong dugo galing sa Puso” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *