Force Multipliers nakiisa sa Community Outreach Program sa San Jose, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa mga mag-aaral ng Maamot Elementary School, Barangay Maamot, San Jose, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronald P Cayago, Force Commander.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng food packs, hygiene kits at vitamins sa mga batang mag-aaral ng naturang paaralan.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng saya sa mga bata upang maging aktibo sila sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *