Force Multipliers nagsagawa ng Community Outreach Program sa Bamban, Tarlac

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles para sa mga residente ng Barangay Sto. Niño, Bamban, Tarlac nito lamang Sabado, ika-18 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ni Kuya Louie Arcilla, Governor ng “SINAG REGION-CL LXIV” katuwang ang mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station at mga opisyal ng naturang barangay.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng feeding program, gift-giving at libreng gupit para sa mga benepisyaryo.

Tuloy-tuloy ang mga Force Multipliers na maghatid ng serbisyo sa mga mamamayan kaagapay ang PNP lalo na sa nga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *