KKDAT nakiisa sa Community Outreach Program sa Aliaga, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program sa Aliaga Central School ng Barangay Poblacion Centro, Aliaga, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-16 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aliaga Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Nestor E Fabro, Officer-In-Charge.

Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng 31st National Children’s Month kung saan nagkaroon ng lecture at pamimigay ng meryenda sa mga batang mag-aaral.

Layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng mga bata patungkol sa iba’t ibang batas upang magsilbing gabay sa kanila na maging mabuting mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *