Cagayan PPO Officers Ladies Club, nagsagawa ng Outreach Program sa bayan ng Baggao

Naghatid ng saya ang Cagayan Provincial Police Office Officers Ladies Club at Cagayan PPO Ladies Link sa isinagawang outreach program sa Brgy. Mabini, Baggao Cagayan nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gng. Jennifer Antoinette, butihing asawa ng Provincial Director ng Cagayan PPO katuwang ang kapulisan ng Baggao Police Station, CPPO at Brgy. officials ng nasabing lugar.

Nagpaabot ang grupo ng mga pagkaing inihanda at mga makukulay na tsinelas na kanilang dala at iba pang pasorpresa para sa naturang residente.

Maliban dito, nagkaroon ng sayawan at kantahan para aliwin ang mga lumahok at dumalo sa naturang aktibidad.

Sa mensahe ni Gng. Gorospe, labis-labis ang katuwaan nito na makitang masaya ang mga residente na kanilang binibisita. Aniya “hindi man ganun kalaki ang naipapaabot naming tulong sana’y kahit papaano ay napasaya namin ang araw niyo. “Ang tanging layunin namin ay mabisita kayo at makumusta ang inyong pamumuhay, gayundin upang maiparamdam namin sa inyo na andito kame, mga kapulisan, at mga ibang ahensiya ng pamahalaan na pwede niyong sandalan sa mga panahong kailangan niyo ng karamay” dagdag nito.

Source: Cagayan PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *