Ikalawang Anibersaryo ng Youth Mobile Force-Abra ipinagdiwang sa pamamagitan ng Outreach Program

Ipinagdiwang sa pamamagitan ng Community Outreach Program ng mga miyembro ng Youth Mobile Force-Abra ang kanilang ikalawang anibersaryo sa Calot Elementary School, Calot, Bangued, Abra nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay ginabayan ng mga tauhan ng 1504th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 na dinaluhan ni Dra. Casey M Dumlao at YMF-Abra.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng gift packs, feeding program, libreng gupit at dental check-up sa 181 na estudyante ng Calot Elementary School.

Ang aktibidad ay naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *