Mass Blood Donation, isinagawa sa Northern Samar

Northern Samar – Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Rural Health Unit at Red Cross ang Mass Blood Donation sa Brgy. Sangay Palapag, Northern Samar, nito lamang Nobyembre 17, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng RHU at Red Cross kasama ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Auxiliary at Security Team ng Sangay, Northern Samar sa pangangasiwa ni PCol Alfredo J Tadefa, Provincial Director.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong matugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa nasabing bayan at upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *