Youth Mobile Force-Kalinga,nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth Mobile Force-Kalinga sa isinagawang clean-up drive sa Lacnog West, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 150rd Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, kasama ang Sangguniang kabataan, San Pablo Youth Association at Youth Mobile Force-Kalinga.

Ang mga nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot ang mga basurang nakakalat sa naturang lugar. Ang aktibidad ay naglalayong magkaroon ng malinis na kapaligiran at palakasin ang samahan ng ating mga kapulisan at mga kabataan tungo sa maayos at nagtutulungang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *