Tree Planting Activity isinagawa sa Dilasag, Aurora

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Pedro Orata Elementary School, Dilasag, Aurora nito lamang Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dilasag Municipal Police Station, katuwang ang mga guro at mag-aaral ng naturang paaralan.

Nagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim ng eskwelahan. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at maiwasan ang init na dulot ng pagbabago ng klima sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *