Best practice na PAMANA-A Tree for Legacy at Clean up drive, isinagawa sa Quirino

Nagtipunan, Quirino- Sanib pwersa ang Nagtipunan Central School Integrated SPED Center sa pamumuno ni Ginoong Darius A. Gallad,Principa II at miyembro ng Salaknib Cagayan Valley Eagles Club (CVEC) na pinamununuan ni Edwin S. Besas, Club President sa isinagawang best practice na PAMANA-A Tree for Legacy at Clean Up Drive sa Barangay Ponggo, Nagtipunan, Quirino nitong ika-26 ng Nobyembre 2023.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagmamahal sa kalikasan at malasakit sa kapaligiran na siyang pangunahing proteksyon sa panahon ng kalamidad Nakiisa din ang mga tauhan ng 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company bilang suporta sa nasabing aktibidad at upang matiyak ang seguridad ng bawat kalahahok.

Dagdag pa dito, ang pagbibigay pansin upang tugunan ang hamon na kinakaharap ng kalikasan at mga isyung pang kapaligiran ay pagpapakita ng pagiging responsableng mamamayan.

Source: 2nd QPMFC QPPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *