Faith-Based Advocacy Support Group, nakilahok sa Community Outreach Program sa Aklan

Aklan- Nakilahok sa Community Outreach Program ang miyembro ng Faith-Based Advocacy Support Group sa Ati Village, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ng Aklan Maritime Police Station ang aktibidad katuwang ang Second Aklan Provincial Mobile Force Company sa koordinasyon kay Sister Elvira Odiamot mula sa Our Lady of The Most Holy Rosary Parish Ati Mission.

Ginanap sa naturang aktibidad ang pamamahagi ng arroz caldo at food packs sa mga residente ng nasabing lugar.

Ang mga ganitong programa ay nagbibigay inspirasyon at naglalayong magbigay ng positibong epekto sa buhay ng mga taong direktang naapektuhan sa pamamagitan ng mga serbisyo at tulong ng naturang grupo at ng kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *