50 pamilya benepisyaryo ng Community Outreach Program
Tiatayang 50 pamilya ang benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyo handog ng Lokal na Pamahalaan ng Kalamansig katuwang ang Kalamansig Municipal Police Station at iba pang ahensya at opisina ng pamahalaan sa ginanap na Community Outreach Program na bahagi ng programang RCSP-ELCAC o Retooled Community Support Program to End Local Communist Armed Conflict mula sa Sitio Agsam, Barangay Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2023.
Layunin ng nasabing aktibidad na ipadama ang pagmamahal at malasakit ng gobyerno sa mga mamamayan at residente lalong lalo na ang mga Sitio na napapaloob sa (GIDAS) o Geographically Isolated and Disavantaged Area upang matuldukan na ang insurhensiya sa bansa. Pasasalamat naman ang ipanaabot ng mga naging benipepisyaryo sa kanilang natanggap na libreng check-up, food packs, libreng gupit, hygiene kit, fertilizer at vegetables seeds, pagpoproseso ng libreng Birth, Marriage at Death Certificate, National ID Registration at lecture patungkol sa E.O 70 at E-CLIP.
Nagtapos ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng libreng pananghalian na pinagsaluhan ng mga residente ng nasabing Sitio.