Barangay Based Group, nakiisa sa Bahayanihan Project Turn-Over Ceremony

Nakiisa ang mga kasapi ng Brgy. Based Group sa House Blessing and Turn-over Ceremony ng Bahayanihan Project sa Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City nito lamang ika-29 ng Nobyembre 2023.

Ang nasabing proyekto ay insyatiba ng Lokal na Pamahalan ng Lungsod ng Tuguegarao City na pinangunahan ni Hon. Maila Rosario T Que, Mayor at Tuguegarao Component City Police Station sa pangunguna ni Police Captain Ana Marie Anog, Chief CCADS.

Masayang tinanggap ni Ginoong Sixto B Paglalayon, isa sa masuwerteng benepisaryo ng Bahayanihan Project. Samantala, pinasalamatan naman nito ang mga stakeholders, kapulisan at LGU na tumulong at posibleng naipatayo ang handog na disenteng tahanan.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng Serbisyong Nagkakaisa upang makatulong at makapamahagi ng disenteng tirahan para sa mahihirap.

Source: Tuguegarao Component City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *