Agta Community, pinasaya ng Advocacy Support Group at PNP

Pinasaya ng Advocacy Support Group at PNP ang Agta Community sa Brgy. Peru, Lasam, Cagayan sa kanilang isinagawang Community Pitreach Program nitong Huwebes, ika-30 ng Nobyembre 2023.

Magkatuwang ang Zinundungan Nights Eagles Club, Major Scorpions Guardians Brotherhood International Incorporated, 2nd Provincial Mobile Force Company, Company Advisory Group, at My Brothers Keeper sa isinagawang Christmas Gift Giving kung saan nakatanggap ng regalo ang mga katutubong benepisyaryo.

Maliban dito, nagkaroon din ng Feeding Activity, sayawan, kantahan, at mga palaro na labis na ikinatuwa ng mga batang nakilahok. Labis naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaryo sa maagang mapaskong handog sa kanila ng Advocacy Support Groups at kapulisan.

Source: 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *