Food Packs Distribution nilahukan ng Tricycle Drivers sa Sta. Mesa, Manila

Umaapaw ang kaligayahan ng mga Tricycle Drivers sa kanilang natanggap na food Packs mula sa Stakeholders at PNP nito lamang Huwebes, Nobyembre 30, 2023.

Tinungo ng mga tauhan ng Sta. Mesa Police Station ang mga tricycle driver ng nasabing lugar upang ibahagi ang munting tulong gaya ng noodles, bigas, delata at iba pa kung saan ito’y naisagawa sa tulong ng mga Stakeholders.

Ang aktibidad ay naglalayong palawigin pa ang pagbibigay tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ngayong malapit na ang kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *